let's fly high |
|||
|
excite me
Submit
Recommend
Themes addicted to sweets; studying the art of communication and media; i live a crazy semi-sweet life; what you'll find here are all products of my super brain reblogs are stated in form of a hashtag+reblogged
i can see you If this section appears to be blank, that means your ASK isn't enabled yet. Click here to activate. |
Jun 19, 2011
0 Notes.
Si Papa..
Halooo papa! :) Nakasanayan ko man na tawagin kang papa at hindi ‘daddy’ eh okay lang kasi mas ramdam ko pa yung papa o kaya tatay. :) At kahit na hindi ko kapatid yang baby na naka-upo sayo na sobrang cuuuutie pie eh okay lang din. Kasi kahit na ako lang mag-isa ang nagawa nyo ni mama masaya pa rin ako dahil sa atensyon na binigay nyo sakin mula pagkabata. Alam ko marami na tayong pinagdaanan na masasaya at masasakit, mula sa pagiging papa’s girl ko noon hanggang sa pagseselos mo ngayon dahil may boyfriend na ang unica hija mo, at pati na rin sa paglalambing mo nung bata pa ako hanggang sa pang-aassar mo samin ni mama ngayon, hinding hindi ko yun makakalimutan. Kahit na yung mga oras na muntik ka nang bumitaw samin ni mama, pero sa huli pinili mong huwag mahiwalay samin, kahit na matigas ang ulo ko paminsan minsan, lahat ng oras na pinagsamahan natin bilang pamilya tintreasure ko. Kaya super thank you ang gusto kong ibigay sayo kahit na sa simpleng blog post lang na ‘to. Kanina paggising ko para kong bata na sumisiksik sa kilikili mo. Miss ko na kasi yung ganun, at alam ko naramdaman mo naman na naglalambing ulit ako sayo na parang yung dati lang na baby girl mo ako. I love you papa. Sana, kung magbago ka man, yung magging mas mahal mo kami ni mama. at wag na din matigas ang ulo ha, baka sayo pa magmana ang magiging apo mo sa future, hehe. P.S: Bukas ipapabasa ko to sayo. Paano? Iiwan kong nakabukas ang tumblr page ko para bago mo ko sermonan na hindi pinapatay ung pc, mabasa mo muna to. :) ♥
Notes |
||